Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang kumakalat na isyu ngayon kung saan naispatan sa retrato ang maraming kahong food packs na naiulat na ipinamahagi umano ng Angat Buhay Foundation ni dating Vice President Leni Robredo para sa mga pamilyang naapektuhan ng flash floods at mudslides sa Banaue, Ifugao.

Ibinahagi ni Tulfo ang screengrab mula sa ulat ng isang online newspaper kung saan nakasaad na nakipagtulungan ang Angat Buhay Foundation sa Isabela-Quirino Development Council upang maipamahagi ang food packs. Napansin ng mga netizen na ang nakalagay sa mga kahon ay DSWD.

Paglilinaw ni Tulfo, anumang relief goods na ipinamamahagi ng DSWD ay hindi na ipinadadaan pa sa mga non-government organizations dahil ilegal umano ito. Diretso na nila itong ipinamimigay sa mga pamilyang naapektuhan.

"PAGLILINAW…"

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"HINDI PO NAMIMIGAY NG MGA FOOD PACKS AT IBA PANG RELIEF ITEMS ANG DSWD SA MGA NGO PARA IPAMIGAY SA MGA TAO DAHIL ITO PO AY LABAG SA BATAS."

"DERECHO PO ANG AMING TULONG SA MGA TAO SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA LGUs.

BASE SA INISYAL NA IMBESTIGASYON NA ISINAGAWA NG AKING TANGGAPAN SA ISANG LARAWAN NA LUMABAS SA INQUIRER. NET…"

Ayon kay Tulfo, tila isinama daw ng lokal na pamahalaan ang donasyon ng Angat Buhay sa food packs ng DSWD sa iisang warehouse, at ito naman ang nakuhanan ng mga retrato.

"TILA ISINAMA DAW NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG DONASYON NG ANGAT BUHAY (nakasakay sa pick-up truck) SA MGA FOOD PACKS NG DSWD SA IISANG WAREHOUSE NG LGU AT KINUHAAN NG LITRATO."

"Maraming salamat po."

Samantala, sa opisyal na Facebook page ng Angat Buhay ay makikita at mababasa naman ang ganito:

"Angat Buhay is currently monitoring events in Banaue, Ifugao, as we continue to respond to the situation affecting its residents.

Families in the municipality have been displaced by mud and water streaming down the mountains due to heavy rains."

"Our partner, the Isabela-Quirino Development Council, was the first volunteer group to respond by handing out food packs and cooked meals to affected families."

"Aside from our volunteers, the Philippine Army through 54 Magilas IB of the 5th Infantry Division is also there to support our volunteer group in terms of logistical needs."

"We thank our partners in the area for responding to Banaue's call for help."

"Ito ang diwa at sentro ng Angat Buhay: bolunterismo ng mga mamamayan, tulungan at bayanihan para matiyak na ligtas ang ating mga kapwa."

Nakalagay sa post na kinuha nila ang mga retrato sa Isabela-Quirino Development Council.

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang Angat Buhay tungkol dito, o maging si Atty. Robredo na siyang chairperson nito.