Matapang na sumali sa 'Idol Philippines Season 2' ang singer at social media personality na si Ryssi Avila matapos ang isang taong 'di pagkanta dahil sa mga naging isyu noon kaugnay kina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Nang makapasok sa studio, itinanong sa kaniya ni Regine Velasquez, isa sa mga judges, kung bakit siya sumali sa naturang singing competition.

"This gonna be a brand new start since nangyari sa akin last 2020 na nadamay po ako sa isang controversy with the famous social media couple [Skusta Clee at Zeinab Harake]," sey ni Ryssi.

"Nahiya na po ako sobra na humarap sa mga tao kaya sobrang thankful po ako rito sa Idol Philippines na this is my chance na to be back, this is my chance na humarap po ulit sa mga tao para sa talent ko lang po para sa boses ko," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa VTR naman, ikinuwento niya kung bakit siya nadawit sa isyu noon sa pagitan nina Skusta at Zeinab at maging sa kaniyang relasyon sa dating niyang nobyo na si Con Felix.

Kuwento ng singer, nahirapan siya sa relationship nila ni Con dahil marami ang bawal at grabe umano ang insecurities at pagseselos nila sa isa't isa.

"Kaya po nung nagbreak kami pumunta po ako kay Skusta. Nakipag-collab po ako sa mga dati kong kaibigan kasi mas gusto ko na pong mag-focus sa sarili ko nun e. Talagang matagal na po kaming magkaibigan, magkakilala since 2015 bago pa lang po siya masyadong sumikat," aniya.

"After po malaman ng mga tao na nandoon po ako kay Skusta, medyo mali rin po yung napost na info-- na kung gaano na po ako katagal doon, na may relationship daw po kami, na inagaw ko po si Skusta. Gumising na lang po ako isang hapon nag-trending na ako kahit wala po talaga akong masamang ginagawa.

"Doon ko po naramdaman yung sobrang pagkawala po ng self-esteem ko, tinigil ko po kumanta for a year," paglalahad pa niya.

Kinanta ni Ryssi ang kantang "Alipin" ng Shamrock at inawit din niya ang kaniyang original song na "Matsala."

"Just because your past was broken doesn't mean your future has to be," sey ni Moira. Binigyan niya si Ryssi ng platinum ticket.

Sa oras na makakuha ng platinum ticket ang contestant, lulusot na ito sa unang round ng kompetisyon at didiresto na sa solo round.

May tig-isang platinum ticket lang ang mga judges sa buong audition.

Samantala, umani naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang audition video ni Ryssi.

"Ryssi is one of the best vocal na narinig ko ever since lalo na nung nag cocover sya ng song together with Con. And yes, tagos sa puso ang boses nya as in, dama mo yung feelings nung song. Pag Love, kikiligin ka. Pag malungkot, as in maiiyak ka. I love her. Sana ito na yung door nya para mas makilala pa sya. GO RYSSI"

"This is a big break for this girl. She is so talented. The clarity of voice superb! i believe she still have a lot to show."

"I was once a fan of RyCon, became a hater after all then issues came out, then became a fan again after watching and listening this video. Di ko maipagkakaila magaling talaga si Ryssi! A hater or what, di natin ma descredit ang talent nya. Thanks Idol Philippines and to the new judges, kudos! Galing!"

"Her timing and phrasing is impeccable, trademark of a great storyteller. No need na to birit to get into your bones kasi her delivery, emotion will get to you. I'm very impressed, specially with that original composition. Well-deserved platinum ticket."

"I was so nasasayang with this girl since nalink siya kay sc. She's an intelligent woman. Tomatak sa akin nung napanood ko sa tnt dahil scholar daw saschool (if im not mistaken) and she has this good voice. I love her genre. Good thing that she auditioned she really cleared her name. Two thumbs up"

"Ryssi is one of the most underrated artist in the Philippines. Madami kami sumusporta sa'yo, never stop singing!"

"Feel na feel ko yung emotion ng kanta, sobrang nakaka communicate as a listener"

"I love her voice simula pa nung pa cover cover pa lang siya ng mga song and the moment na marinig ko yung orig niya, grabeeeee, as idol Chito mentioned, grabe yung time signature niya especially dun sa chorus grabeeee, ang ganda ng vibe, love it"

"Galing ng set of judges this season!!! Every nook and cranny of the music industry, well-represented!!!! Great job!!!"

"Ryssi Avila, one of the greatest vocalist in this new generation of Filipino singers"

"I have never expected Chito to be this articulate. Ryssi is indeed a talented indie artist. Kudos!!!!"

"You are such a talented singer and an artist too. You captured the heart of the listeners through your song especially "MATSALA" sobrang ganda ng message."

"She's definitely holding back be ready she has a lot of runs and riffs that was not yet exposed her level of musicality was just amazing I'm a fan since rycon days"

"I'm surprised that she joined IP! But I'm more surprised that they don't know her! She's done collabs with Michael Pangilinan. She's incredibly talented and has one of the most beautiful voices I've ever heard in the PH! Her own composition suits her style best! Can't wait to see more of her! Good luck, Ryssi!"

"I like this girl the first time I hear her cover of Rainbow at wish bus. Rooting for this girl! Best of luck on your Idol Philippines journey."

"This is a great comeback for Ryssi. I felt her songs and I felt the sincerity in her emotions. Sana this time, this one’s for you. Focus on your talents and sorround yourself with the right people. You deserve that second chance. Goodluck"