Nakiramay si Pope Francis sa pagkamatay ng dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe nitong Sabado, Hulyo 9.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Pope Francis na ikinalungkot niya ang pagpatay kay Abe noong Biyernes, Hulyo 8. Nakiramay siya sa naulilang pamilya, kaibigan at mga mamamayan ng Japan.

"I was deeply saddened to learn of the assassination of Mr Shinzo Abe, former Prime Minister of Japan. I offer my heartfelt condolences to his family, friends & the people of Japan," saad niya.

" I pray Japanese society will be strengthened in its historic commitment to peace and nonviolence," dagdag pa niya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

https://twitter.com/Pontifex/status/1545731995015208960

Matatandaan na pumanaw si Abe ilang oras matapos barilin habang nagtatalumpati sa isang campaign event sa Nara, Japan.

Sa ulat, isinugod agad sa hospital si Abe sakay ng isang helicopter matapos barilin.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/08/former-japan-prime-minister-shinzo-abe-pumanaw-na/