Hiningan ng reaksiyon ang isa sa "Eat Bulaga" hosts na si Paolo Ballesteros tungkol sa napababalitang pagsasanib-puwersa ng kanilang mga kalabang noontime shows: ang "It's Showtime" ng Kapamilya Network at "Lunch Out Loud" ng Brightlight Productions na napapanood naman sa TV5.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/07/its-showtime-at-lunch-out-loud-sanib-puwersa-na-mapataob-kaya-ang-eat-bulaga/">https://balita.net.ph/2022/07/07/its-showtime-at-lunch-out-loud-sanib-puwersa-na-mapataob-kaya-ang-eat-bulaga/

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nagulat umano si Paolo na may ganoon palang magaganap. Aminado ang Dabarkads host na wala siyang ideya tungkol dito dahil hindi naman siya nakakapanood sa mga katapat at karibal na noontime shows.

“Oh talaga? Paanong magsanib-puwersa? Hindi ko alam na may ganoon na ganap,” sey raw ni Paolo nang makapanayam ng PEP. Ipinaliwanag naman nila ang balak na magba-back-to-back airing ang dalawang programa sa lahat ng platforms ng Kapamilya Network at TV5.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

“Hindi ko kasi parehas na napapanood so I have no idea kung ano ba ang mga laman and paano ba sila. Ang alam ko lang, same na noontime shows sila. But I can only speak for Eat Bulaga! na not only for fun and saya, but also more of public service, awareness, at nagbibigay ng pag-asa sa mga Pinoy na talagang nangangailangan," dagdag pa ni Paolo.

Ito umano ang tatak ng EB na hindi na umano mawawala pa, dalawa o 100 man daw ang maging katapat nito.

Gayunman, mukhang positibo naman ang naging pagtanggap dito ni Paolo.

"Eh, di lalo pang sasaya ang tanghalian nating mga Pinoy?” aniya.

Itinuturing na longest-running noontime show ang Eat Bulaga ng TAPE, Inc. at GMA Network.