Pabor na rin ang National Parent-Teacher Association Philippines (PTA) para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa kabila ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ibinatay ng grupo ni PTA president Willy Rodriguez ang hakbang sa isinagawang online survey kung saan 100 porsyento ng kanilang natanong ay pumapayag na maituloy ang in-person classes sa mga pribado at pampublikong paaralan.

“Ituloy na po ang face-to-face classes. Matagal na naming ipinagdadasal na magkaron ng face-to-face. ‘Yung mga kaso ngayon… siguro sa dami ng bakunado ay maaari talagang matuloy na po," ayon kay Rodriguez.

“Wala raw kasing natututunan kapag sa online. Hirap ang mga bata at naapektuhan ang kanilang social life na hindi nakakalabas at walang natututunan,” banggit nito.

National

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT

Nitong Sabado, lumobo na naman ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas matapos maitala ang bagong nahawaan na 1,825.

Sa kasalukuyan, hindi inoobliga ng gobyerno na magpabakuna ang mga estudyanteng sasali sa face-to-face classes. Gayunman, kinukumbinsi sila na magpaturok upang hindi magkaroon ng laganap na hawaan sa kanilang paaralan.

Plano ng pamahalaan na maisagawa ang full implementation ng in-person classes sa Nobyembre.