TAYABAS CITY, Quezon – Arestado nitong Sabado, Hulyo 10 ang isang 55-anyos na canvasser dahil sa panggagahasa sa kaniyang anak noong 2014.

Kinilala ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang suspek na si Ulysses de la Torre.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Si De la Torre ang most wanted person sa lungsod at walong taon nang nagtatago nang siya ay arestuhin sa Barangay Baguio.

Naglabas ng warrant of arrest si Judge Teodoro Solis ng Regional Trial Court Branch 25 sa Biñan City, Laguna noong Enero 22, 2015 laban sa suspek para sa tatlong counts ng rape.

Inaresto ng Tayabas police sa pangunguna ni Police Staff Sgt Wilna May de la Cruz, hepe ng warrant section, kasama ang 1st at 3rd platoon ng 1st Quezon Provincial Mobile Force Company, si De la Torre.