Nagbigay ng babala sa publiko sa pamamagitan ng text blast ang National Telecommunications Commission o NTC hinggil sa scam na nag-aalok ng trabaho at may pangakong malaking suweldo, Hulyo 10.
Ayon sa NTC, ito ay isang malaking scam.
"HUWAG PO KAYONG MANIWALA SA TEXT NA NAG-AALOK NG TRABAHO NA MAY PANGAKO NA MALAKING SUWELDO. ITO PO AY ISANG SCAM," ayon sa text blast ng NTC.
Bukod sa pag-aalok ng trabaho, iba-iba rin ang naiisip ng scammers pagdating sa text message. May ilang magsasabi na nanalo ang pinadalhan ng papremyo mula sa isang contest, na minsan ay binabanggit pa ang "Wowowin" ni Willie Revillame.
Isang netizen naman ang nagreklamo na nakapadala umano siya ng text message mula sa CPP-NPA na nagbabantang manggulo.
"They claim that they are a member of Guerilla Front and CPP-NPA who would like to ask money from us worth 17,000 pesos in order to purchase firearms and bullets for their operation, otherwise, they will create chaos in our small shop (Printland Printing Services) located at Purok 4, Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur."
"I have recorded audio from a call. I think this will be considered extortion. I already reported it to Rosario Police station and they advised me that I would be vigilant to this kind of SCAM. Anyway, TRUE or NOT this kind of activity will create panic especially to the involved community," dagdag pa.
Ipagbigay-alam kaagad sa NTC kapag nakatanggap ng mga ganitong text message.