Naging usap-usapan sa social media ang reaksiyon ni G Tongi tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz tungkol sa kasaysayan.

Nag-ugat ito sa sagot ni Ella sa panayam sa kaniya kung ano ba ang natutuhan niya sa pagganap bilang "Irene Marcos" sa pelikulang "Maid in Malacañang."

"History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," saad ng actress-dancer.

Naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa kaliwa't kanang batikos na natanggap niya dahil dito. Nagbigay na rin ng saloobin dito ang mga historyador at kapwa celebrities.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pati ang iba't ibang party-list gaya ng Gabriela, Kabataan, at ACT Teachers ay nagsalita na rin tungkol dito. Sana raw ay maibalik na ang pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul, na matagal nang inalis dahil sa K to 12 Curriculum.

Niretweet ni G ang isang pubmat ng balita tungkol dito, Hulyo 5. Aniya, hindi naman required sa mga artista na i-justify ang "villainy" ng kanilang role na ginagampanan. Pagbabahagi pa ni Tongi, siya mismo ang nakaranas kung paano isinagawa ang EDSA People Power I noong 1986.

"@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles. I would love to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who (were) part of a history you are dismissing as here say."

"Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!" paalala pa ng dating aktres-VJ.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/07/g-tongi-pinagsabihan-na-rin-si-ella-cruz-wag-nak-it-feels-like-erasure-di-tama/">https://balita.net.ph/2022/07/07/g-tongi-pinagsabihan-na-rin-si-ella-cruz-wag-nak-it-feels-like-erasure-di-tama/

Marami naman sa bashers ang nagtaas ng kilay sa kaniya, sa sinabi niyang 8 taong gulang pa lamang siya ay kasama na siya sa mga nagmartsa sa EDSA People Power I. May mga netizen kasi ang naglapag ng resibo sa naisulat na artikulo mula sa isang pahayagan, na saka lamang siya umuwi ng PIlipinas kasama ang ina noong siya ay 15 taong gulang.

Resbak ni G sa kaniyang tweet noong Hulyo 8, "Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power."

"I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque. Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience."

"Mga tanga!" aniya.

https://twitter.com/gtongi/status/1545330726278533120

Sa iba pang mga tweet ni Giselle ay nanawagan siyang huwag kalimutan ang kasaysayan, lalo na ang mga naidulot ng Batas Militar noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

"Please let’s not erase history. Billions of Ill gotten wealth stolen from the Filipino people can not be forgotten. This story of redemption is not over because the fight continues #NeverAgain," aniya sa isa pang tweet.

https://twitter.com/gtongi/status/1524328922657136640