Namahagi na ng food supplies ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng flash flood sa Banaue, Ifugao nitong Huwebes.

Ayon sa DSWD-Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR), sapat ang suplay ng relief items para sa naturang lugar.

Sa socialmedia post ng DSWD-CAR, binanggit nito na nakapamahagina sila ng 1,500 family food packs na nagkakahalaga ng₱941,000.

Ipinaliwanag ng DSWD na sa buong rehiyon, nasa 27,121family food packs na ang nakahanda, kabilang ang 14,000food packs na naka-imbak sa mga bodega ng ahensya sa Benguet.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

"Ngayong araw, kasama ang mga miyembro ng DSWD Field Office CAR, Ifugao Philippine National Police, at Reserve Officers' Training Corps (ROTC) na tumulong sa unloading ng 1,300 Family Food Packs," ayon sa pahayag ng DSWD-CAR nitong Hulyo 9.

Nauna nang tiniyak ni DSWD-CAR director Arnel Garcia na tuluy-tuloy ang pagpapadala nila ng suplay sa Ifugao upang magkaroon ng sapat na pagkain ang mga apektadong pamilya.

PNA