Matapos ulanin ng batikos ay binura na ang mga larawan at humingi ng paumanhin ang internet star na si Donnalyn Bartolome matapos ang kontrobersiyal na “baby themed” birthday photoshoot.

Sa isang mahabang Facebook post, ipinaliwanang ng online personality ang naging dahilan ng hindi agad niya pagbura sa kontrobersiyal na shoot sa kabila ng pagbomba ng netizens.

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” mababasa sa bungad ng Facebook post ni Donna.

Sunod na ipinaliwanag nito ang dahilan ng hindi agad niya pagbura sa mga larawan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I couldn’t remove my post right away because I needed it to copyright the photos to prevent the spread of it furthermore until I got a go signal from Facebook and other socmed managers, an assurance that they know I am the owner of the photo and they’ll help me correct this by taking down all of the posts involving this photoshoot. You may help us by sending the links of the post of anyone who reposted this for any reason at all.”

Dagdag niya, “Almost a million people across socmed platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same.. but upon reading other people’s perspective, I completely agree. I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say.”

Ilang netizens ang nagpaabot ng pagkabahala sa tema ng 28th birthday shoot ni Donna kung saan tila naghihikayat umano ito na tignang seksuwal ang walang kamuwang-muwang na kabataan, higit lalo pa ang mga sanggol.

Basahin: Donnalyn Bartolome, nagpabebe sa birthday pictorial – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sunod na binalikan ni Donna sa kaniyang post ang sariling karanasan ng pagiging “overprotective” sa mga kapatid dahilan para gabayan siya ng ilang propesyunal para maunawaan ang kaniyang aksiyon.

Nagpasalamat ang social media personality sa mga taong nagpaabot ng kanilang saloobin ukol sa shoot at nangakong mas magiging maingat siya sa kaniyang mga content na may kakayahang makapag-impluwensta ng milyun-milyong netizens.

Sunod na hinikayat ni Donna na maglagak ng donasyon sa isang childcare facility na biktima ng pang-aabuso.

“Thanks everyone and I’m sorry,” muling sabi ni Donna.