Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa matapos maitala ang 2,018 na panibagong nahawaan nitong Linggo, Hulyo 10.
Ito na ang pinakamataas na naitalang daily average ng Covid-19 cases sa Pilipinas simula noong Pebrero 18.
Sa pagkakadagdagng mga panibagong kaso, umabot na sa 3,718,467 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa.
Sa naturang bilang, nilinaw ng Department of Health (DOH) na 838 ang naitala sa Metro Manila.
Nasa 9.6 porsyento naman angpositivity rate mula Hulyo 3-9, mas mataas kumpara sa 7.0 porsyento nitong nakaraang linggo.
Sa pinakahuling datos ng DOH, 3,644,009 na ang nakarekober sa sakit at 60,640 naman ang binawian ng buhay.
Matatandaangunang nakapagtala ng kaso ang Pilipinas noong Enero 30, 2020 na natukoy sa isang babaeng Chinese na bumiyahe mula Wuhan City sa China kung saan pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.