Usap-usapan ngayon ang mabilis na aksiyon ng "Angat Buhay Foundation" ni dating Vice President Atty. Leni Robredo sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang apektado ng flash floods at mudslides sa Banaue, Ifugao, dulot ng sunod-sunod na pag-ulan.

Sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Hulyo 10, sinabi ng chairperson nitong si Atty. Leni na nakaalarma ang kanilang non-government organization para sa mabilis na pamamahagi ng food packs, katuwang ang Isabela-Quirino Development Council at lokal na pamahalaan.

"We at Angat Buhay are closely monitoring the situation in Banaue, Ifugao, where areas have been affected by flash floods and mudslides due to heavy rains," ani Atty. Robredo.

"Agad na nagsimulang mag-distribute ng food packs at ready-to-eat meals ang ating partner, ang Isabela-Quirino Development Council, led by Dra. Gina Rosimo at Roshelle Jao. Nakikipag-ugnayan din sila ngayon sa RPC Ifugao at sa lokal na pamahalaan."

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pinasalamatan ni Robredo ang mga nagboluntaryo sa pamamahagi, lalo na ang mga uniformed personnel na umalalay sa kanila.

"Many thanks to our volunteers from Isabela-Quirino Development Council, who were among the first to respond on the ground, and to the Philippine Army 54th Infantry Magilas Battalion, 5th Infantry Division, for assisting them in delivering the goods to the communities. As we have proven time and again, mas marami tayong maaabot dahil sa pagtutulungan."

Sa kabilang banda, hindi pa rin naiwasan ang pang-iintriga matapos maibahagi sa opisyal na Facebook page ng "Angat Buhay" ang mga retrato ng food packs, na kuha naman umano sa Facebook page ng Isabela-Quirino Development Council.

Naispatan ng mga netizen na ang nakalagay sa kahon ng food packs ay "DSWD" o Department of Social Welfare and Development, bagay na kinuwestiyon ng bashers.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Angat Buhay, please issue a statement to refute the claims of malicious thinkers na nang-aagaw daw ng relief goods ang Angat Buhay as seen in this picture w/ DSWD relief pack. Thank you."

"Angat Buhay nga ba talaga, bakit DSWD ang mga nasa kahon?"

"SALAMAT DSWD, SALAMAT AFP, SALAMAT BBM, SALAMAT PH GOVERNMENT. Angat Buhay who?"

"Bakit DSWD? db dapat kung sa Angat Buhay may sariling ambag. Nagtatanong lang."

"Akala ko ba milyon ang pondo ng Angat Buhay? Bakit galing naman pala yata sa DSWD mga food packs na pinamimigay?"

Naglabas naman kaagad ng paglilinaw ang bagong talagang hepe ng DSWD na si broadcaster/journalist Erwin Tulfo, na kapatid ni Senador Raffy Tulfo, sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post.

Paglilinaw ni Tulfo, anumang relief goods na ipinamamahagi ng DSWD ay hindi na ipinadadaan pa sa mga non-government organizations dahil ilegal umano ito. Diretso na nila itong ipinamimigay sa mga pamilyang naapektuhan.

"PAGLILINAW…"

"HINDI PO NAMIMIGAY NG MGA FOOD PACKS AT IBA PANG RELIEF ITEMS ANG DSWD SA MGA NGO PARA IPAMIGAY SA MGA TAO DAHIL ITO PO AY LABAG SA BATAS."

"DERECHO PO ANG AMING TULONG SA MGA TAO SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA LGUs. BASE SA INISYAL NA IMBESTIGASYON NA ISINAGAWA NG AKING TANGGAPAN SA ISANG LARAWAN NA LUMABAS SA INQUIRER. NET…"

Ayon kay Tulfo, tila isinama daw ng lokal na pamahalaan ang donasyon ng Angat Buhay sa food packs ng DSWD sa iisang warehouse, at ito naman ang nakuhanan ng mga retrato; kumbaga ay nagkalabo-labo na, at nahaluan na ng malisya.

"TILA ISINAMA DAW NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG DONASYON NG ANGAT BUHAY (nakasakay sa pick-up truck) SA MGA FOOD PACKS NG DSWD SA IISANG WAREHOUSE NG LGU AT KINUHAAN NG LITRATO."

"Maraming salamat po."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/tulfo-pumalag-dswd-food-packs-ipinamigay-sa-pamamagitan-ng-angat-buhay/">https://balita.net.ph/2022/07/10/tulfo-pumalag-dswd-food-packs-ipinamigay-sa-pamamagitan-ng-angat-buhay/

Samantala, sa opisyal na Facebook page ng Angat Buhay ay makikita at mababasa naman ang ganito:

"Angat Buhay is currently monitoring events in Banaue, Ifugao, as we continue to respond to the situation affecting its residents. Families in the municipality have been displaced by mud and water streaming down the mountains due to heavy rains."

"Our partner, the Isabela-Quirino Development Council, was the first volunteer group to respond by handing out food packs and cooked meals to affected families."

"Aside from our volunteers, the Philippine Army through 54 Magilas IB of the 5th Infantry Division is also there to support our volunteer group in terms of logistical needs."

"We thank our partners in the area for responding to Banaue's call for help."

"Ito ang diwa at sentro ng Angat Buhay: bolunterismo ng mga mamamayan, tulungan at bayanihan para matiyak na ligtas ang ating mga kapwa."

Nakalagay sa post na kinuha nila ang mga retrato sa Isabela-Quirino Development Council.

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang Angat Buhay tungkol sa paratang ng mga netizen, o maging si Atty. Robredo na siyang chairperson nito.