Inaasahang bibisita sa bansa sa katapusan ng Hulyo si United States ambassador to the Philippines MaryKayLoss Carlson.

“We are really excited to welcome very soon our new ambassador, ambassador MaryKay Carlson. She will be here in the Philippines by the end of the month,” banggit ni Chargè d’Affaires Heather Variava sa panayam sa telebisyon.

“She’s now in Washington having meetings preparing to come out here in the Philippines and I’m looking forward to taking on my role as her deputy once she gets here at the end of the month. So stay tuned there’s a lot more to come with our new ambassador,” dagdag na pahayag nito.

Si Carlson ay itinalagang ambassador ng Estados Unidos sa Pilipinas kamakailan.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Bago ang kanyang appointment, si Carlson, isang veteran diplomat, ay dating Deputy Chief of Mission sa US Embassy sa Buenos Aires, Argentina.

Nagsilbi rin siya bilang Deputy Chief of Mission sa New Delhi, India sa loob ng tatlong taon at bilang principal Deputy Executive Secretary ng Secretary of State sa Washington, D.C.

Pinasok ni Carlson ang foreign service noong 1985 matapos na makakuha ng degree sa Spanish at International Studies sa Rhodes College sa Memphis, Tennessee at Master of Arts sa International Relations mula Georgetown University sa Washington, D.C.

Ang kanyang diplomatic postings ay kinabibilangan ng China, Ukraine, Hong Kong, Mozambique, Kenya, at Dominican Republic.