May edad man ay hindi pa rin nagpahuli sa hamon ng edukasyon ang chicharon seller na si Jesus Fuentes matapos makapagtapos siya sa kursong Bachelor of Elementary Education o BEEd sa Talisay City College.

Sa Facebook post ni Fuentes, walang sawa niyang pinasalamatan ang mga tumulong at nagbigay inspirasyon sa kanya na tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo.

"I would like to extend my deepest gratitude to our god for always there for me everytime when I needed him in all my ups and downs. Next, to my family thank you so much for supporting me, miski naa ta sa kalisod naa ra gihapon mo nga mo supporta nako labi na nga ako naningkamot nga mkaahuman para sa atong pamilya tungod ninyo nakahuman ko ug skwela og kamo akong rason nganong momata ko og sayo sa buntag para mamaligya og maningkamot (kahit na tayo ay nasa mahirap na sitwasyon andiyan parin kayo para suportahan ako at ako rin mismo ay nagsikap upang makapagtapos para sa ating pamilya. Kayo yung rason kung bakit ako gumigising ng maaga para magtinda) and yet you are my inspiration," ani Fuentes.

Kasama rin sa kanyang pinasalamatan ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan, mga propesor, at mga kaklase.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

Hindi rin nakalimutan ni Fuentes na bigyang pasasalamat ang mga suki niya tuwing nagtitinda siya ng chicharon.

Aniya, sa mga suki niya ng chicharon, maraming salamat sa pagsuporta at sa pagbili po ng kanyang mga chicharon kahit unti basta palagi malaking bagay na iyon.

Dagdag pa niya, umulan man o umaraw lagi siyang pumupunta sa mga bahay ng kanyang suki upang matustusan niya ang kanyang sarili, mga anak nito, at lalong-lalo na sa pamilya niya.

Aniya, "ungod ninyo nganong naningkamot ko adlaw-adlaw kay kamo nituo ramo nako og nakasabot ramos akong pagpaningkamot usa sad mo sa akong dakong achievement sa kinabuhi. Bahalag na pul-an namos akong dagway sa sigeg balik2 sa inyong balay mo palit gihapon mo nako. Daghang salamat ninyo mga suki. Palit gihapon mog chicharon nako ha (Dahil sa inyo nagsikap ako ng maigi at andiyan kayo na naniniwala sa pangarap ko. Kayo ay parte sa aking malaking achievement. Kahit na nagsasawa na kayo sa mukha ko na paulit-ulit na bumabalik sa bahay niyo, bumibili parin kayo sa akin. Maraming salamat talaga mga suki. Bili pa rin kayo sakin ah)."

Ikinatuwa ng netizens ang kwento ni Fuentes kaya naman aabot na sa 70K ang pumuso sa post nito, na may lagpas 28K shares.