Isang mananaya ang nanalo ng mahigit ₱401 milyong jackpot sa lotto sa isinagawang draw nitong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), umabot sa ₱401,186,804.80 ang maiuuwi ng isang lucky bettor na nakahula sa Grand Lotto 6/55 winning combination na 02-18-49-07-19-47.

Gayunman, hindi pa isinasapubliko ng PCSO kung taga-saan ang naturang mananaya at kung saan nito nabili ang ticket.

Sa rekord ng PCSO, umabot sa ₱741 milyon ang pinakamalaking jackpot ng Grand Lotto 6/55 na tinamaan ng isang "balikbayan" na taga-Olongapo, Zambales noong Nobyembre 2010.

Kaugnay nito, inihayag ng PCSO na nakapagtala rin sila ng isang nanalo sa Lotto 6/42 draw nitong Hulyo 9 ng gabi.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nahulaan din ng nanalo ang winning combination na 27-18-26-13-02-03 na may nakalaang premyong ₱5,940,000.00.