DAGUPAN CITY – Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anim na drug suspect at pinuksa ang isang drug den sa Barangay IV dito Huwebes, Hulyo 7.

Kinilala ang mga suspek na sina Dennis de Guzman, 52; Jeffrey de Vera, 28; Benedict Operaña, 47; Ranillo Fernandez, 43; Joy Paras, 33; at Joerico Buenaventura, 40, karamihan ay residente ng Dagupan City.

Lahat ng suspek, maliban kay Buenaventura, ay naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakuha sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet at isang elongated transparent container na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 13.0756 gramo at nagkakahalaga ng P88,914.08; sari-saring drug paraphernalia, motorsiklo, at ang buy-bust money.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.