Nakatakdang bumida si Nadine Lustre sa psychological thriller na “Deleter” sa direksyon ni Mikhail Red, ang kinikilalang direktor sa likod ng mga pelikulang “Eerie” at “Birdshot.”

Makakasama ng Gawad Urian best actress sa cast sina Mccoy de Leon at Louise delos Reyes.

Isinulat ni Red at ng kanyang kapatid na si Nikolas na ang pelikula ay nakasentro sa isang online content moderator na nag-delete ng isang video ng pagpapakamatay na ginawa ng kanyang katrabaho, gayunpaman, ay kailangang harapin ang kanyang maligalig na nakaraan.

“Most of them do not have proper access to proper work benefits, mental health support and counseling. This genre film attempts to unlock the dark secrets and consequences of their world, especially in a world where the truth is filtered and distortion is prevalent," ani Red sa ekslusibong panayam ng Variety.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang proyekto ay unang collaboration nina Nadine at Red, ang magiging pangalawang big-screen na handog ng aktres pagkatapos niyang ipagpatuloy ang kanyang karera sa pag-arte ngayong taon sa "Greed," kasunod ng tatlong taong pahinga kung saan nakatuon siya sa musika.

Ang pelikula ay nasa ilalim ng Viva Films. Tatakbo ang shooting nito mula sa darating na Agosto hanggang Setyembre, habang ang pelikula ay inaasahang matatapos sa katapusan ng taon.