Dahil sa malawakang oportunidad sa pambansang ekonomiya ng United Arab Emirates (UAE) ay hihikayatin ng inisyatiba na maglunsad ng sariling negosyo ang mga manggagawa nito.

Dagdag na nabanggit sa ilang ulat, ang mga kawani ng Emirati government ay makatatanggap pa rin ng kalahati ng kanilang sahod habang umiiral ang one-year leave. Ang good news pa nito, mapananatili nila ang posisyon matapos ang isang taon.

“Our goal is to encourage the youth to take advantage of the huge commercial opportunities offered by our national economy,”saad ni Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, Vice President and Prime Minister of the UAE at Ruler ng Dubai, sa isang tweet kamakailan.

Nauna nang inanunsyo ng parehong pamahalaan ang pagbibigay nito ng subsidiya sa mga mamamayang kumikita ng mas mababa sa AED25,000 o P378,800 bilang tugon sa tumataas na global inflation.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Maaaring mag-apply ng allowance sa kanilang gobyerno para sa pagkain, kuryente, krudo at iba pang gastusin ang mga mamamayan ng UAE.

Basahin: UAE gov’t, magbibigay ng allowance sa kanilang mamamayan na mas mababa sa P378k ang kita kada buwan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid