Isang tweet ni P3PWD Party list Rep. Rowena Guanzon ukol sa umano’y dalawang kasambahay na pinalayas sa isang first-class village nang hindi nasasahuran ang walang anu-ano’y itinuro sa celebrity mom at aktres na si Ruffa Gutierrez.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first-class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” saad ni Guanzon sa kaniyang tweet noong Huwebes, Hulyo 7.

Matapos ang isang araw ay muli nitong ni-retweet ang pahayag at sunod na direktang tinanong ang aktres na si Ruffa.

National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1545243158291701760

Agad naman itinanggi ng aktres ang paratang.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” unang tugon ni Ruffa sa parehong thread.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years),” dagdag na detalye ni Ruffa.

Aniya pa, “Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

Dito sunod na nilinaw ng aktres na taliwas sa pahayag ni Guanzon, wala umano siyang pinalayas o sinesante na kasambahay.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting every day, all day, all night for #MAIDinMALACANANG - You should watch it BTW. You’re gonna love it,” saad ni Ruffa.

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga. My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po,” pagpapatuloy ng aktres.

Hindi na tumugon si Guanzon sa mga paliwanag ni Ruffa.