Mapapanuodmuli ang mga bigating artista na sina Vice Ganda, Coco Martin, Joey de Leon, at Toni Gonzaga matapos inanunsyo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat na official entries na nakatakdang mapanuod sa mga sinehan sa Disyembre.
Sa ika-48 taon ng MMFF, itinataguyod nito ang mensahe na "BALIK SAYA" dahil mararanasanmuli ng mga Pilipino na manood sa loob ng sinehan sa darating na Kapaskuhan.
Narito ang apat na MMFF 2022 official entries base sa ipinasang script:
1. LABYU WITH AN ACCENT by ABS-CBN Film Productions
Director: Rodel Nacianceno
Scriptwriter: Patrick Valencia
Starring: Coco Martin and Jodi Sta. Maria
2. NANANAHIMIK ANG GABI by Rein Entertainment Productions
Director & Scriptwriter: Shugo Praico
Starring: Ian Veneracion, Mon Confiado and Heaven Peralejo
3. PARTNERS IN CRIME by ABS-CBN Film Productions
Director: Cathy Garcia-Molina
Scriptwriter: Enrico C. Santos
Starring: Vice Ganda and Ivana Alawi
4. THE TEACHER by TEN17P
Director: Paul Soriano
Scriptwriter: Emma Villa
Starring: Joey De Leon and Toni Gonzaga
Pinangunahan ni Boots Anson-Roa Rodrigo at Jesse Ejercito, bilang chair at vice chair ng Selection Committee, ang Top 4 scripts base sa sumusunod na criteria: Artistic Excellence - 40%, Commercial Appeal - 40%, Filipino Cultural Sensibility - 10% at Global Appeal - 10%.