Naglabas ng saloobin si Jacque Manabat, isang mamahayag ng ABS-CBN, ukol sa mga nagsasabing huwag nang magreklamo laban sa gobyerno kasunod ng programang “Libreng Sakay” ng Department of Transportation (DoTr).

Sa isang Facebook post, Biyernes, muling ipinaalala ng mamamahayag na taumbayan pa rin ang nag-aambagan para sa nasabing programa.

“Whether you avail of the free ride or not. Whether you live in Metro Manila or not. It’s our taxes working. It’s proper that we ask and demand that our taxes be used well,” anang mamamahayag.

Matatandaang noong Hulyo 1, pinalawig ng bagong administrasyong Marcos ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel habang mananatiling libre naman para sa mga estudyante ang pagsakay sa MRT-3, LRT-2 at Philippine National Railway (PNR) mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

Dagdag na paalala ni Manabat, “Check your receipts, dear. Everytime we purchase, part of it goes to tax. It goes to the construction of bridges, schools, health services, public officials’ trips and salary, and more.”

Dito sunod na ipinunto ng mamamahayag na nasa posisyon ang mamamayan na hingan ng programa ang gobyerno kapalit ng buwis na kinakalatas nito sa taumbayan.

“Hold those in power accountable. Hindi nila pera yan. Pera ng taumbayan yan. Perang pinaghirapan natin,” saad ni Manabat.

We all contribute a part of our hard-earned money to the society,” pagtatapos niya.

Sa pag-uulat, umani na ng mahigit 11, 000 reactions at 13, 000 shares ang nasabing post.