LUCENA CITY, Quezon – Nanenok umano ang mga produktong gatas at cash na aabot sa halos P20,000 sa dalawang botika sa Old Maharlika Highway sa Barangay Isabang, Huwebes, Hulyo 7.

Ang Generics Pharmacy, na kinakatawan ni Sheyne Mansilungan, 28, health care provider, at Dau Pharmacy, na kinakatawan ni Denise Lorenz Umali, 28, ay nag-ulat sa pulisya sa lugar kaugnay ng umano'y insidente ng pagnananakaw ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Ayon sa kanila, puwersahan umanong sinira ang mga padlock ng rollup ng dalawang tindahan. Natuklasan ang mga pagnanakaw nang magbubukas na sana sila Huwebes ng umaga.

Dagdag ni Masilungan, ang mga produktong gatas at cash sales na nagkakahalaga ng P10,678.13 ay natangay. Ang Dau Pharmacy, ani Umali, ay nawalan ng P8,800 cash na benta. Maging ang CCTV hard drive kung saan maaari sanang matukoy ang mga suspek ay natangay din.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ng pulisya na maaaring nangyari ang mga pagnanakaw sa pagitan ng alas-7 ng gabi, Hulyo 6 hanggang 8 a.m. Hulyo 7.

Na-akses ng mga pulis ang mga closed-circuit television camera malapit sa dalawang drugstore para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.