Kahit kabit o mistress ay protektado pa rin ng batas, partikular na ng Anti-Violence Against Women and the Children Act of 2004 (Anti-VAWC) Law.

Ito ang isinapubliko ng Supreme Court nitong Huwebes at sinabing hindi nababawasan sa anumang paraan ang dignidad ng mga babaeng nakikiapid at bukod dito ay natutugunan pa angkarahasan sa kababaihan, gayundin sa kanilang mga anak.

"She will be protected just the same by the law that values her and her children’s dignity and guarantees full respect for their human rights," ayon sa pahayag ng kataas-taasang hukuman.

Inilabas ng Korte Suprema ang desisyon bilang tugon sa argumento ng isang lalaki na hindi umano saklaw ng Anti-VAWC Law ang pananakit nito ng kalaguyo.

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Pagbibigay-diin ng SC, hindi tinitignanng batas kung legal o hindi ang isang relasyon para maprotektahan laban sa karahasan ang isang babae.