Nais pataasin ni Senador Jinggoy Estrada ang sahod ng mga public school teachers sa bansa kaya naman nangako siya na ito ang isa mga prayoridad niya bilang incoming chair ng Senate Committee on Labor and Employment sa 19th Congress.

“Pagtutuunan po natin ng pansin yang pagtaas ng sweldo ng ating mga guro sa pampublikong paaralan dahil ang pagiging isang guro ay isang marangal na trabaho, ngunit talagang noong araw pa napaka baba na ng kanilang tinatanggap na sahod," ani Estrada.

Binigyang-diin pa niya na nakakaawa raw ang mga guro dahil sila rin ang naaatasan na magbilang ng mga boto tuwing eleksyon.

“Kaya talagang nakaka awa rin itong ating mga guro lalong-lalo na sila yung naatasan na magbilang ng mga boto at kinakailangan talaga bigyan ng karagdagang sahod ang ating mga guro sa public schools," aniya.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Saad pa ng mambabatas, ang pagtaas ng suweldo ay kinakailangan hindi lamang para mabayaran ang karagdagang kargada sa trabaho dulot ng blended learning dahil sa Covid-19.

Tiniyak naman niya na kapag na-certify na ng National Treasury ang pondo, wala siyang nakikitang dahilan para hindi ito aprubahan ng Senado ang panukala.