Kahit pa silaban ng isang blowtorch na umaabot sa 31 degree Celsius ay nananatiling solid pa rin umano ang tinaguriang “Hermes of ice cream” ng China dahilan para umagaw ito ng atensyon mula sa ilang nababahalang netizens.
Sa isang ulat ng Agence France-Presse kamakailn, isang video umano ang nag-viral kung saan makikitang kahit isang oras nang iniwan ang naturang ice cream sa parehong lebel ng init nito sa isang silid ay nanatili pa rin itong buo, at walang bakas ng pagkatunaw.
Dahil dito, kinuwestyon ng maraming netizens ang kompanya ng brand, gayundin ang mga sangkap nitong maaring banta sa kalusugan ng isang tao.
Depensa naman ng kompanya, sumusunod aniya sila sa pambansang pamantayan ng food safety.
"We believe that it is not scientific to judge the quality of ice cream by baking, drying or heating ice cream," saad ng brand sa isang Weibo post, Miyerkules.
Sa naturang ulat, nabanggit rin ng AFP na hindi nito naberika ang mga nasabing videos at stabilizers, isang food additive na kadalasa’y ginagamit na sangkap sa maramihang paggawa ng ice cream kadalasan sa bansang Amerika.