Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang imbitasyon ng gobyerno ng China na bumisita ito sa naturang bansa, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes.
Sa panayam ng mga mamamahayag, kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pagtanggap ng imbitasyon ni Marcos sa nakaraang pakikipagpulong nitoChinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi.
"There was an invitation but there is no date set as of yet," paglilinaw ni Cruz-Angeles.
Sa Twitter post ni Marcos, binanggit nito na nakipagpulong siya kayWang saMalacañang nitong Miyerkules kung saan tinalakay ng mga ito ang iba't ibang usapin, katulad ng imprastruktura, enerhiya, agrikultura at pagbibigkis ng dalawang bansa.
Sinabi pa ni Marcos magiging matapat ito sa mga hakbang nito upang mapanatili ang matatag na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Hindi binanggit ng Pangulo kung napag-usapan nila ni Wang ang usapin sa South China Sea.
"Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi stressed the cooperation between China and the Philippines, and that this transcends any maritime disputes. And he reiterates that the friendship between the two sides has lasted for many years. This was mutually agreed upon," ayon pa kay Cruz-Angeles.