Pumanaw na ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe nitong Biyernes, Hulyo 8, ilang oras matapos barilin habang nagtatalumpati sa isang campaign event sa Nara, Japan.

Sa ulat, isinugod agad sa hospital si Abe sakay ng isang helicopter matapos barilin.

Ang pamamaril sa pinakakilalang politiko ng bansa ay nangyari sa kabila ng mahigpit na gun law ng Japan bago ang halalan sa mataas na kapulungan sa Linggo.

Nauna nang sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida na nasa "in grave condition" si Abe matapos barilin.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Former prime minister Shinzo Abe was shot in Nara and I have been informed he is in a very grave condition,” aniya sa mga mamamahayag matapos dumating sa Tokyo sakay na isang helicopter mula sa campaign trail.

Pumanaw ang dating prime minister sa edad na 67-anyos.

Si Abe, ang pinakamatagal na naglingkod bilang prime minister ng Japan, ay nanungkulan noong 2006 sa loob ng isang taon at muli noong 2012 hanggang 2020.

Noong 2020, napilitan umano siyang bumaba sa puwesto dahil sa mahinang kondisyon ng kaniyang bituka-- ulcerative colitis.