Sa ikaapat na pagkakataon ay muling nag-post ng kaniyang mga selfie ang aktres na si Yen Santos sa kaniyang Instagram, Miyerkules, Hulyo 6.

"sometimes u just gotta take a hairfie or hairfies," aniya sa caption.

Tsika at Intriga

Tirada ni Christian Esguerra: 'Pag bumabagyo ba ng kamangmangan sa Senado, force majeure din?'

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naririnig ang panig ni Yen hinggil sa naging isyu sa kanila ni Kapuso actor Paolo Contis. Sa kasagsagan nito ay nagbura siya ng mga IG post niya.

Muli siyang bumalik sa IG noong Disyembre 24, 2021. Ang huling post naman niya ay noong Mayo 2, 2022.

Kahit na hindi masyadong aktibo ngayon sa showbiz ay muli siyang napag-uusapan, lalo na nang mag-post si Paolo ng ulam na kaldereta, na aniya ay mula kay Yen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/">https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/

Dito ay mababasa ang tila lambingan nila "as a friend". Humirit pa nga ang aktor ng adobo.

"Adobo next?"

"Abusado ka naman," pabirong saad ni Yen.

Ganting banat ni Paolo, "Grabe ka naman! Pagod agad???"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/paolo-humirit-ng-adobo-matapos-lantakan-kaldereta-ni-yen/">https://balita.net.ph/2022/06/15/paolo-humirit-ng-adobo-matapos-lantakan-kaldereta-ni-yen/

Pinagalitan din niya ang bashers niya at sinabing sana raw ay intindihin na lamang ang mga suliranin ng bansa gaya ng mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin, at hindi ang kaniyang ulam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/18/paolo-sa-bashers-ng-pa-kaldereta-ni-yen-bakit-hindi-nila-problemahin-ang-pagtaas-ng-gas-at-mga-bilihin/">https://balita.net.ph/2022/06/18/paolo-sa-bashers-ng-pa-kaldereta-ni-yen-bakit-hindi-nila-problemahin-ang-pagtaas-ng-gas-at-mga-bilihin/

Sa isa pang Facebook post ay ipinakita na nga ni Paolo ang kinakaing adobo subalit hindi niya tinukoy kung napagbigyan na ba ni Yen ang kaniyang hiling.

Inunahan na niya ang bashers ng kaniyang post.

"Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa 'yan mamaya! #Adobash," ayon sa caption ni Paolo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/28/thank-you-babikwoooh-paolo-ibinida-ang-adobo-inunahan-ang-bashers/">https://balita.net.ph/2022/06/28/thank-you-babikwoooh-paolo-ibinida-ang-adobo-inunahan-ang-bashers/