Wala pa ring pinalad na magwagi sa mahigit₱367 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi kaya’t inaasahang lalo pang tataas ang naturang premyo at aabot na sa mahigit₱400 milyon.

Sa paabiso ng PCSO nitong Huwebes, Hulyo 7, nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na49- 06 - 26 - 55 - 03 - 14 kaya’t hindi pa rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na₱367,534,100.00.

Inaasahan namang lalo pang tataas ang papremyo, na batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, ay posibleng umabot na sa mahigit₱400 milyon sa susunod na pagbola dito sa Sabado, Hulyo 9, 2022.

Mayroon namang 67 mananaya ang pinalad na makapag-uwi ng tig-₱100,000.00 na second prize, para sa limang tamang numero; 4,100 ang nanalo ng tig-₱1,500.00 na third prize para sa apat na tamang numero at 87,854 ang nakapag-uwi ng tig-₱60.00 para sa tatlong tamang numero.

Samantala, wala ring nakapag-uwi sa₱23,608,475.00 na jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola rin ng PCSO nitong Miyerkules ng gabi, matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 29- 13 - 37 - 35 - 07 - 38.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sa jackpot estimates ng PCSO, inaasahang aabot na sa mahigit₱30 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa susunod na bola nito sa Biyernes ng gabi, Hulyo 8.

Ang jackpot prize naman ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin rin ng Biyernes ng gabi ay inaasahang papalo na sa mahigit₱76 milyon.

Kaugnay nito, hinihikayat ng PCSO ang publiko na tumaya na sa lotto upang magkaroon ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang Mega Lotto 6/45 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.Ang lotto draw naman para sa Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes at Linggo.