Tumaas pa ang bilang ng mga tambay na Pinoy sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.
Sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician and Civil Registrar General, Undersecretary Claire Dennis Mapa, umabot sa 2.93 milyon ang walang trabaho nitong Mayo na katumbas ng anim na porsyento na mas mataas sa 2.76 na walang trabahong indibidwal nitong Abril.
Aniya, tumaas pa rin ang bilang ng tambay sa kabilang ng pagluwag ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) alert status sa National Capital Region (NCR) sa mga lalawigan sa bansa.
Ang mga sektor na bumaba ang walang trabaho ay kinabibilangan ng Agriculture and forestry, Public administration and defense; compulsory social security, Arts, entertainment at recreation, Education, Professional, scientific, at technical activities.