Matapos ang kaniyang paninita sa naging anak sa fantaseryeng "Aryana" na si Ella Cruz tungkol sa naging pahayag nito ukol sa kasaysayan, binalikan at inokray naman ng bashers si Kapuso comedienne Pokwang dahil sa maling ispeling nito sa salitang "iodine".

Ayon sa tweet ni Pokie, Hulyo 4, tanggap niya ang pananaw ni Ella sa politika subalit hindi niya matatanggap ang naging pahayag nito tungkol sa kasaysayan.

"Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang-ayon sa'yo nak dahil mali! maling mali…" ayon sa tweet ni Pokwang.

Kung alam lang daw niya, baka ibinalik na lamang niya raw sa dagat ang anak-anakan, batay sa serye nila.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

"Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak, mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino raw 'yan #Aryana," hirit pa ng komedyante.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/">https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/

Napansin ng mga netizen sa Twitter na mali ang ispeling niya sa 'iodine' na siyang nagbibigay-alat sa tubig-dagat. Nagawa raw niyang itama si Ella Cruz gayong sariling ispeling niya ay hindi naman maitama.

Subalit sa Facebook post niya, makikitang tama naman ang ispeling ng "iodine".

Buwelta naman ng komedyante, "O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/05/pokwang-inokray-ng-bashers-dahil-sa-maling-ispeling-ng-iodine/">https://balita.net.ph/2022/07/05/pokwang-inokray-ng-bashers-dahil-sa-maling-ispeling-ng-iodine/

Sa isa pang tweet kung saan ibinahagi niya ang post ng isang netizen na naglalatag ng resibong tama ang ispeling niya ng salitang iodine sa Facebook, "Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/06/banat-ni-pokwang-pinuna-maling-spelling-pero-pambababoy-sa-kasaysayan-hindi-ano-na/">https://balita.net.ph/2022/07/06/banat-ni-pokwang-pinuna-maling-spelling-pero-pambababoy-sa-kasaysayan-hindi-ano-na/

Sa latest tweet ng komedyante, Hulyo 7, isang netizen naman ang nagtanggol sa kaniya. Tama naman daw ang salitang "iodin" ayon sa "Vocabulary.com".

Aniya, parehong tinatanggap ang "iodine" at "iodin" kagaya ng iba pang mga salitang minsan ay naiiba ang ispeling, subalit parehong tama.

"Both 'iodine" and 'iodin' are correct. These are alternate spellings of the same thing - just like adviser and advisor, or caliber and calibre. Iodin was just how it was commonly spelled back then, but both remain valid today," pahayag ng netizen. Itinag nito si Pokwang.

Niretweet naman ito ng komedyante.

"Ayun naman pala!!!! Salamat po… oh ayan ha… tatalino…" aniya.

https://twitter.com/pokwang27/status/1544919167744483328

Si Pokwang ay isang masugid na Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nakaraang halalan.