Usap-usapan ngayon ang inihaing panukalang-batas ng isang solon hinggil sa pagpapalit ng pangalan ng "Ninoy Aquino International Airport", at isunod sa pangalan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr., ang ama ng kasalukuyang Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ayon sa panukala ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. na House Bill 610, dahil "more appropriate to rename it to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project."

"It is more appropriate to bear the name that has contributed and [left a] legacy in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project," aniya pa.

Nagbigay na rin ng reaksiyon dito ang mga celebrity, gaya ni Mo Twister.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/06/mo-twister-nag-react-sa-panukalang-batas-na-palitan-pangalan-ng-naia-isunod-kay-marcos-sr/">https://balita.net.ph/2022/07/06/mo-twister-nag-react-sa-panukalang-batas-na-palitan-pangalan-ng-naia-isunod-kay-marcos-sr/

Para naman kay incoming Senate President Migz Zubiri, mas pabor siya kung ibabalik na lang sa orihinal na pangalan nitong "Manila International Airport" o MIA ang naturang paliparan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/06/zubiri-hinggil-sa-pangalan-ng-naia-balik-na-lang-sa-mia/">https://balita.net.ph/2022/07/06/zubiri-hinggil-sa-pangalan-ng-naia-balik-na-lang-sa-mia/

Bagay na pinaboran din ni Ogie, ayon sa kaniyang tweet noong Hulyo 5.

"Kung papalitan, ibalik na lang sa Manila International Airport kesa sumipsip," aniya. Niretweet niya ang Twitter post naman ni Mara Cepeda, isang journalist.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1544314437665824768

"So, prices of food and fuel are soaring, people are hardly getting by without decent pay, farmers are still struggling to sell their harvest, there’s a spike in COVID-19 cases– and your pet bill is renaming an airport? Really, in this economy?!" anang Cepeda.

Samantala,sa isang panayam naman kay Teves, sinabi niyang walang bahid-politikal ang kaniyang ginawa. Nais lang aniyang mabigyan ng kredito si dating Pangulong Marcos Sr. sa pagpapaganda ng paliparan. Aniya, napagtanto niyang wala na raw bisa ang EDSA People Power I dahil sa pagkapanalo ni PBBM sa halalan.

"Ngayon ko lang na-realize na wala nang bisa 'yung EDSA because if EDSA still had bisa, then the ones na pabor doon sa EDSA, sila sana ang nanalo. Bakit si BBM nanalo? Sila pa yung kalaban noong EDSA," ani Teves.

Iginiit din ni Teves hindi raw sila magkaalyado ni PBBM. Gusto lamang daw niyang ipa-realize sa mga Pilipino kung gaano kagaling na pangulo si dating Pangulong Marcos, Sr.

"Let's give credit where credit is due," ani Teves.

Noong 1987, sa pamamagitan ng Republic Act No. 6639, napalitan umano ang pangalan ng Manila International Airport sa Ninoy Aquino International Airport, kahit walang executive approval sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino, bilang pag-alala sa pagkakabaril kay dating Senador Ninoy Aquino sa naturang paliparan.