Mukhang aprub kay Senador Robin Padilla ang pahayag ni 4th District of Leyte Representative at kapwa aktor na si Richard "Goma" Gomez kung saan nararapat na raw talagang magkaroon ng amyenda sa 1987 Constitution.
Ibinahagi ni Padilla ang pubmat ng naging pahayag ni Goma, sa isang panayam. Inihalintulad ni Goma ang Saligang-Batas sa isang lumang kotse na kinakailangang kumpunihin.
"Ang Constitution parang kotse 'yan eh. Ang lumang kotse kailangang inaayos na yung spare parts, pinapalitan na," ayon kay Goma.
Sa inilabas na listahan ng mga mamumunong senador sa iba't ibang committee, ibinigay kay Robin ang pamumuno sa "Constitutional Amendments" at "Revision of Codes".
Bukod sa mga ito, nasa kaniya rin ang "Public Information and Mass Media".