Hinamon ng isang commuters' group si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na sumakay ng tren ng MRT-3 kapag rush hour.

Paliwanag ni The Passenger Forum convenor Prime Morillo, nais lamang nilang maipakita kay Bautista ang sitwasyon kapag dagsa ang mga pasahero.

Reaksyon lamang ito ng grupo sa biglaang pagbisita at pagsakay ni Bautista ng tren nitong Lunes ng hapon.

"Kaya kailangang rush hour siya mag-inspect kasi 'yun 'yung worst ang sitwasyon. Du'n niya makikita gano katagal 'yung pila, du'n niya makikita ga'no kahaba," anito.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Sa kanyang pag-iikot, dumaan si Bautista sa Kamuning, Shaw, at Taft stations.

Nakausap ni Bautista ang mga pasahero na umaangal dahil sa tagal ng pagpila, lalo na kapag dagsa ang mga pasahero.