Tila pinangaralan ng isang abogado na si Atty. Nick Nañgit ang singer-actor na si Janno Gibbs tungkol sa buwis.

Matatandaan na naglabas ng opinyon at saloobin si Janno tungkol sa buwis at ang epekto umano nito sa middle class.

Sa kaniyang deleted Instagram post noong Hunyo 29, sinabi niya na ang pinakakawawa raw sa mga nagbabayad ng buwis ay middle class. May caption ang kaniyang IG post na “Buwis-et!”

“Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas," ayon sa art card na pinost niya.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

“Buti na lang wala akong trabaho,” pabirong hirit ng singer-actor.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/02/buwis-et-middle-class-kawawa-dahil-sa-buwis-sey-ni-janno-gibbs/

Gayunman, tila hindi sang-ayon si Atty. Nick Nañgit sa naging pahayag ng aktor. 

Sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 3, mayroon siyang ibinahaging anim na puntos para i-address ang nasabing post ni Janno. 

"SPOTTED TANGA," panimula nito.

"Anong tax yan e simula pa lang ng buwan? Kung withholding tax yan, e recipient ka lang, so ang payor ang mag wi-withhold ng tax. Bakit mo poproblemahin? Maka mema ka, wagas!" saad pa niya.

Patutsada pa ni Nañgit dapat pasalamatan ng aktor si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa agarang pagpasa ng Train Law. 

"Tamo, wala talagang babayaran ang mahihirap kung hindi sila kumikita ng lalagpas sa 250k sa isang taon. Pasalamatan mo si #PRRD, dahil ginawa niyang urgent ang TRAIN Law, kaya ipinasa agad ng Kongreso. At kung itinutumbok mo naman si #BBM, ibinasura na ng Korte Suprema ang mga petisyon na ume eme emeng tax evader siya. Magbasa ka!

"Pero, wait, ang binubuwisan ay kita, hindi dahil mahirap o mayaman. Kung walang kinikita, mahirap o mayaman man, e di walang buwis. Malay mo kung palamunin lang sila sa loob ng isang taon?! Stew feed na bansot!

"Ang mayayaman nagbabayad din ng buwis. So, anong may paraan? Iba ang mga korporasyon sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis. At hindi yan dahil mayaman o mahirap sila! Saang multiverse mo natutunan yan? Btw, kahit bansot, may bidyo ka nga pala?! Dakilang iskandalosa!" paglalahad pa ng abogado.

Pinangaralan ni Nañgit si Janno, aniya nagbabayad pa rin ng buwis si Janno kahit wala umano itong trabaho.

"Lahat binubuwisan, basta't may kita. Ke purita, middle class, o mayaman, obligasyon yan sa Estado! Lahat ng Estado sa buong mundo ay naniningil ng buwis. Paano mabubuhay ang pamahalaan kung walang buwis? Ganun din sa pamilya! Paano mabubuhay ang pamilya kung walang kita ang nagtataguyod nito? Despwes, kmusta na kayo ni Bing?

"Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis! Ungas nato! Kumakain ka, bumibili ng basic needs sa supermarket, at tumatawag sa telepono. Sa tingin mo, walang buwis na ipinapasa sa iyo ang mga suppliers at providers? May tinatawag na "liability for tax" at "burden of tax". Syempre, hindi mo yan alam at hindi abot ng utak mo ang kaalaman na yan, kaya dakdak ka na lang ng dakdak, at baka sakali nga namang may maawa sayo at bigyan ka ng trabaho?!

"Mag banat ka ng buto, hindi yung e ema para may ayuda, tongue in ah!"

Samantala, sa isang Instagram post ng aktor noong Martes, Hulyo 5, ipinost niya ang screenshot ng ilang mga post ni Nañgit tungkol sa mga Aquino, kay Robredo, at ang parte ng post ng abogado.

"Pure evil. How can@facebookallow this account to continue doing this. To suggest that Kris Aquino is sick as a family curse and seemingly deserves it is just Pure Evil," sey ni Janno sa caption.

"No other words to describe. And the language. This coming from a lawyer. Is this the Filipino today?" dagdag pa niya. Sa dulo ay mayroon itong hashtag na #PureEvil.