Napa-react na rin ang dating aktres at host na si G Tongi sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz tungkol sa kasaysayan.

Natanong kasi si Ella sa isang panayam kung ano ba ang natutuhan niya sa pagganap bilang "Irene Marcos" sa pelikulang "Maid in Malacañang."

"History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," saad ng actress-dancer.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

Naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa kaliwa't kanang batikos na natanggap niya dahil dito. Nagbigay na rin ng saloobin dito ang mga historyador at kapwa celebrities.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Pati ang iba't ibang party-list gaya ng Gabriela, Kabataan, at ACT Teachers ay nagsalita na rin tungkol dito. Sana raw ay maibalik na ang pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul, na matagal nang inalis dahil sa K to 12 Curriculum.

Niretweet ni G ang isang pubmat ng balita tungkol dito, Hulyo 5. Aniya, hindi naman required sa mga artista na i-justify ang "villainy" ng kanilang role na ginagampanan. Pagbabahagi pa ni Tongi, siya mismo ang nakaranas kung paano isinagawa ang EDSA People Power I noong 1986.

"@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles. I would love to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who (were) part of a history you are dismissing as here say."

"Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!" paalala pa ng dating aktres-VJ.

Naging co-star din ni Ella si G sa fantaseryeng "Aryana".

Nagbigay na rin ng reaksiyon at komento rito ang naging nanay-nanayan niya sa serye na si Pokwang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/06/banat-ni-pokwang-pinuna-maling-spelling-pero-pambababoy-sa-kasaysayan-hindi-ano-na/">https://balita.net.ph/2022/07/06/banat-ni-pokwang-pinuna-maling-spelling-pero-pambababoy-sa-kasaysayan-hindi-ano-na/

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring sey si Ella sa lahat ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya.