Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pabibilisin nila ang pagtatayo ng bagong connector road para sa Albay at Sorsogon.
Sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na ang 15.87 kilometrong kalsada ay tutugon sa mga problema sa trapiko ng mga motorista at commuter sa dalawang lalawigan.
Samantala, ayon naman kay DPWH-Bicol Regional Director Virgilio Eduarte, makikinabang ang nasa 5,000 na motorista sa oras na matapos ang connector road.“This would benefit as many as 5,000 motorists daily, and eventually improve the economic condition of areas along its route,” aniya.
“Locals and visitors will be able to utilize this all-weather road very soon. We are targeting the completion of ongoing sections before the end of this year,” dagdag pa niya.
Ang Legazpi City at ilang mga kalapit na lugar sa Albay ang karaniwang destinasyon ng mga manggagawa at estudyante mula sa Sorsogon. Sa kabilang banda, ang Sorsogon ay binubuo bilang isa pang tourist destination sa Bicol region.
Ang proyekto ito ay nagkakahalagang P2.21 bilyon.