Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na tumaas pa sa 6.8% ang weekly coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate ng Pilipinas.
Sa kabila nito, kaagad na ipinaliwanag ng DOH na nananatili pa ring nasa low risk classification ang bansa.
Ang positivity rate ay tumutukoy saporsyentong mga taongnagpopositibosa Covid-19, mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri laban sa sakit.
Sa datos ng ahensya, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na weekly positivity rate na pumalo sa 9.3% hanggangHulyo 3.
Ang iba pang rehiyon sa bansa na lumampas na rin sa 5% benchmark ng World Health Organization (WHO) ay ang Calabarzon (Region 4A) na may 8.4% weekly positivity rate, Western Visayas (7.1%), Mimaropa o Region 4B (6.4%), Cordillera Administrative Region (5.5%), at Central Luzon (5.4%).
Ipinaliwanag ng DOH na patunay lamang ito ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 4 kung saan umabot sa 1,103 ang naitatalangkaso kada araw.