Maaaring mag-apply ng allowance sa kanilang gobyerno para sa pagkain, kuryente, krudo at iba pang gastusin ang mga mamamayan ng United Arab Emirates (UAE) na kumikita ng mas mababa sa AED25,000 o nasa P378,800 kada buwan.

Dahil sa tumataas na inflation, ang inisyatiba ay ayon sa utos ng Pangulong si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan na umentuhan ang badyet para sa Social Support Programme para mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga low-income families.

Ayon sa isang ulat, ang dating pondo ng programa na nasa AED14-B ay dodoblehin sa AED28-B.

“We will immediately start the implementation of the President’s instructions regarding inflation allowances to ensure applicants benefit from these allowances. The ministry will start receiving applications for inflation allowances for fuel, electricity and food from citizens with a monthly salary of less than Dh25,000 from tomorrow,” saad kamakailan ni Hessa Bint Essa Buhamaid ng Minister of Community Development.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Ang UAE ay binubuo ng pitong emirates kabilang ang fAbu Dhabi(kabisera),Ajman,Dubai,Fujairah,Ras Al Khaimah,SharjahatUmm Al Quwain.