Ibinida ni Senador Robin Padilla ang kaniyang top 10 priority bills na isusulong niya bilang mambabatas, ayon sa kaniyang Facebook post, Hulyo 5.

"Naihain na po natin ang unang 10 prayoridad na panukalang batas sa Senado para sa ika-19 na Kongreso," ayon kay Padilla.

"Simula pa lamang po ito. Tututukan, aaralin at isusulong natin ang mga adbokasiya na tutugon sa samu’t saring isyu na malapit sa ating bituka - kasama rito ang mataas na presyo ng petrolyo, mga problema sa agrikultura at food security, at talamak na diskriminasyon."

"Tuloy po ang ating pagsisigasig sa Senado bilang tugon sa mandato at tiwala ng sambayanang Pilipino!"

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Ang Top 10 priority bills na inilatag ng bagong senador ay (1) Equal Use of Languages Act, (2) Suspension of Excise Tax, (3) Medical Cannabis Compassionate Access Act, (4) Amending the Rice Tariffication Law, (5) Magna Carta of Barangay Health Workers, (6) Equality and Non-Discrimination Act, (7) Civil Service Eligibility, (8) Regionalization of Bilibid Prisons, (9) Mandatory Reserve Officers' Training Corps Act, at (10) Divorce Act of the Philippines.