Si Dabarkads Paolo Ballesteros ang nasa likod ng pangmalakasang “Dyosang Tikbalang” na national costume ni Bb. 7 Graciella Lehmann para sa Binibining Pilipinas pre-pageant category.

Ang apo sa tuhod ni National Artist at pintor na si Fernando Amorsolo ay muli na namang nagpamalas ng talas pagdating sa larangan ng sining.

Kabogera kung ilarawan ng netizens ang detalye, inspirasyon, at kabuuang ideya ni Paolo para isabuhay ang isang kilalang mythical creature ng Philippine folklore.

“Galeng!!! The creativity and imagination of whoever is behind is really a storyteller and connecting culture to something fun, exciting, and mesmerizing concept like this.Kudos at ipang international na yan!” pagkamangha ng isang pageant fan sa Facebook post ng Pageantology.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Kabog talaga naman. Ewan ko nalang kapag di ‘to nanalo sa national costume,” saad ng isang netizen.

“Apo kasi ni Amorsolo si Paulo. Artistry and creativity truly flow in his blood. Kudos!!!"

“Tinapos na agad ni Paolo Ballesteros!”

“Wow galing ni Pao! Ganda pagkaka-design ng outfit!”

Hinangaan din ng netizens ang poise pa ring pagdala ni Graciella Lehmann sa nasabing national costume piece.

Samantala, sa kaniyang Instagram, ibinahagi naman ni Paolo ang pinaghanguang inspirasyon ng pasabog niyang design para sa kompetisyon ngayong taon.

Si Graciella ang delagada ng Oriental Mindoro sa Binibining Pilipinas ngayong taon at nasa pangangalaga rin ng aktor base sa kaniyang serye ng Instagram posts tampok ang kandidata.

Noong 2021, ang actor-host at tinaguriang master of make-up transformation ay una nang nagdisenyo ng national custome para sa kandidata ng Rizal na si Honey Cartasano para sa parerong beauty pageant.