Marami pang mahahalagang usapin na dapat na pagtuunan ng pansin sa pagsisimula ng 19th Congress kaysa sa panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang reaksyon ni dating Senator Franklin Drilon at sinabing dapat munang unahin ng gobyerno ang problema sa inflation at ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

"There is no compelling reason to change the name of NAIA. Any proposal to rename NAIA will always be seen as political and divisive.This obvious attempt for ingratiation is actually a disfavor to President Marcos Jr. It will not augur well with the call for unity of the Marcos administration. Leave NAIA alone," pahayag ni Drilon sa isang television interview.

Nitong Hunyo 30, inihain niNegros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. ang panukala at sinabing mas akma kung muling ipapangalan ang airport sa taong nag-ambag sa pagpapatayo nito.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang panukalang-batas ay isinapubliko lamang nitong Martes, Hulyo 5.

Gayunman, sinabi ngManila International Airport Authority (MIAA), ginawa ang paliparan noong 1953 at natapos naman ang control tower at terminal building para sa mga international passengers noong 1961.

Matatandaangnahalal si Marcos, Sr. noong 1965 o apat na taon pagkatapos magawa ang naturang paliparang pinangalanang Manila International Airport.

Sa bisa ng Republic Act 6639, ipinangalan naman ito kay dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. noong 1987 matapos itong mapatay sa paliparan noong Agosto 21, 1983.