Ito ang saad ng Department of Tourism, Culture and Arts ng Maynila sa muling pagbubukas ng Pambansang Museo sa lungsod nitong Martes, Hulyo 5.

Muli nang nagbukas ang National Museum of the Philippines Complex matapos pansamantalang isara ito sa publiko para bigyang-daan ang inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr noong Hunyo 30.

Anang tanggapan ng pamahalaang lungsod, “Going to a museum is one of the best ways to learn history!”

Ito’y kasunod pa rin ng kontrobersiyal na pahayag ng aktres na si Ella Cruz matapos ihambing ang kasaysayan sa chismis.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang National Museum of Fine Arts, Natural History, at Anthropology ay muling bukas para sa publiko simula ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.

Libre ang admission sa tatlong museo.