Isa sa mga nag-react sa inihaing panukalang-batas ng isang solon na palitan ang pangalan ng “Ninoy Aquino International Airport” at ipangalan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang celebrity-DJ na si Mo Twister.

Ayon kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., nararapat lamang na gawing "Ferdinand E. Marcos International Airport" ang NAIA, ayon sa kaniyang House Bill 610, dahil "more appropriate to rename it to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project."

"It is more appropriate to bear the name that has contributed and [left a] legacy in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project," aniya pa.

Sa tweet ni Mo Twister nitong Martes, Hulyo 5, sinabi niyang inasahan na niya ang posibilidad nito sa loob siguro ng anim na buwang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., subalit hindi niya inasahang mas mabilis pa rito, dahil sa loob lamang ng anim na araw, ay umusbong na ang ganitong ideya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Last year, I said it would likely take 6 months in a BBM administration to see movement to change the name of the airport. I said it would be inevitable but not in the first few days or months. Vanity can't be that important."

"It took 6 days," aniya.

https://twitter.com/djmotwister/status/1544310149682040833

Noong 1987, sa pamamagitan ng Republic Act No. 6639, napalitan umano ang pangalan ng Manila International Airport sa Ninoy Aquino International Airport, kahit walang executive approval sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino, bilang pag-alala sa pagkakabaril kay dating Senador Ninoy Aquino sa naturang paliparan.