BACOLOD CITY -- Pinagtataga ng isang 30-anyos na lalaki ang kanyang tiyuhin sa Barangay Baga-as, Hinigaran, Negros Occidental Martes, Hulyo 5, matapos siyang pagalitan dahil sa hindi niya umanong angkop na pag-uugali.

Sinabi ni Police Lt. Col. Necerato Sabando Jr., hepe ng pulisya ng bayan, na nag-iinuman ang biktimang si Gregorio Gumawa at ang suspek na si Jonel Sombo, 30-anyos, nang pagalitan ng biktima ang lasing nang si Sombo dahil sa kanyang inis sa pag-uugali nito.

Nagpasya ang biktima na pauwiin ang kanyang pamangkin ngunit bumalik si Sombo na armado ng bolo.

Sinabi ni Sabando na naganap ang mainit na alitan sa pagitan nila hanggang sa ilang beses na tinaga ng suspek ang biktima.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagtamo ng maraming pinsala si Gumawa at dinala sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital kung saan binawian siya ng buhay bandang alas-4 ng umaga noong Miyerkules, Hulyo 6.

Agad namang inaresto ang suspek ng mga pulis na nagsasagawa ng police visibility patrol sa lugar, ayon kay Sabando.

Sinabi ni Sabando na inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong murder o homicide laban sa suspek.

Glazyl Masculino