Nakatakdang ilabas ng Department of Education (DepEd) ng Department Order (DO) para sa implementasyon ng 100% o full implementation ng face-to-face classes na target na masimulan sa Nobyembre.
"A Department Order will be issued to guide everyone on this matter,” ayon kay Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Vice President, DepEd Secretary Sara Duterte, sa isang Viber message nitong Martes ng gabi.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na target ng pamahalaan na makapagsagawa na ng full face-to-face classes sa Nobyembre.
Nilinaw ng Pangulo, si Duterte-Carpio mismo ang nag-anunsyo ng naturang plano.
Gayunman, hindi binanggit ni Munsayac kung kailan mailalabas ang naturang direktiba ng DepEd.