Hindi pinalagpas ng ilang mga netizen ang naging pabirong komento ni Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" sa Afro-hairstyle na ibinida ng kaniyang "kapatid" sa talent manager, na si comedienne-actress Herlene Budol, na ngayon ay maingay ang pangalan dahil sa pagiging kandidata ng Binibining Pilipinas 2022.
Ibinida kasi ni Herlene ang kaniyang Afro-hairstyle na kuha mula sa kanilang pictorial.
"I love my Fro' - it's not just a hairstyle ; it's a statement - Herlene Hipon," ayon sa kaniyang caption, sa Facebook post nitong Martes, Hulyo 5.
Nagkomento naman dito ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino.
"Grabe 3 months na itong picture ngayon pa lang na-release," saad ni Wilbert sa comment section.
Sey naman ni Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" na mina-manage din ni Wilbert, "Kahit mukhang nasabugan ng bomba buhok mo kapatid maganda ka pa rin love you!"
May mga pumuri kay Herlene dahil hindi raw sila makapaniwala sa total transformation nito. Kung may mga pumuri, may mga umokray naman at tumawag sa kaniyang atensiyon na ito raw ay "racist" at "cultural appropriation".
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/06/cultural-appropriation-afro-hairstyle-ni-herlene-budol-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/">https://balita.net.ph/2022/07/06/cultural-appropriation-afro-hairstyle-ni-herlene-budol-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/
Hindi rin pinalagpas ng bashers ang naging komento ni Madam Inutz na "mukhang nasabugan ng bomba" ang buhok ni Herlene.
""Madam Inutz, mukhang magkapatid nga po talaga kayo hehe. Parehong insensitive hahahaha."
"Madam Inutz Wow. What a way to insult African hair culture."
"Madam Inutz Wow? The disrespect to African culture?"
"Black fishing and cultural appropriation content with racist remarks stomoyorn, ginawang fashion yung Afro hair (which is not applicable if they’re not black) then sinabihan na mukhang nasabugan daw ng bomba yung hair like ma’am.. pick a struggle."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Herlene, Madam Inutz, at maging ang kanilang talent manager na si Wilbert Tolentino tungkol sa mga akusasyon ng mga netizen laban sa kanila. Bukas ang panig ng Balita Online para sa kanilang kampo.