CAMP GEN. VICENTE LIM, Calamba City, Laguna – Patay ang dalawang lalaki habang kritikal ang isa pa sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Batangas at Quezon Martes, Hulyo 5.

Kinilala ng Police Regional Office 4-A (PRO 4-A) ang mga nasawi na sina Marco Ibañez, 45, ng Sitio Tala, Barangay Munting Indang, Nasugbu, Batangas; at Joel Leopango ng San Juan, Batangas.

Sinabi ng pulisya na si Ibañez ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa Apacible Boulevard, Barangay Bucana, Nasugbu bandang alas-7 ng umaga nang harangin ng isang kotse ang kanyang dinaraanan at binaril siya ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki.

Tumakas ang mga suspek at dead on the spot si Ibanez dahil sa maraming tama ng bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Minamaneho ni Leopango ang kanyang motorsiklo sa Sitio Silangan, Barangay Palingowak, San Juan dakong alas-6:30 ng gabi nang barilin siya ng suspek na si Nelson Britana na nakatayo sa harap ng kanyang bahay. Dead on the spot ang biktima.

Si Bien Carlo Rogel Nadera, binata, 26, ng Angeles Zone 1, Tayabas City, Quezon, ay minamaneho ng kanyang motorsiklo sa Barangay Ibabang Bukal, Tayabas papuntang city proper nang siya ay pagbabarilin at sugatan ng isang lalaking sakay ng isang itim na motorsiklo alas-8:15 ng gabi.

Tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa Quezon Medical Center sa Lucena City.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang fired cartridge ng .45 caliber pistol at isang slug.