Matapos ang pananahimik sa showbiz limelight ay muling nag-perform sa longest-running musical noontime show na "ASAP Natin 'To" ang actress-singer-vlogger na si Rica Peralejo-Bonifacio, kasama ang mga kasabayang Kapamilya at "Ang TV" stars na sina Momshie Jolina Magdangal at Nikki Valdez.

Kasama nilang nag-jamming sa ASAP stage sina Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Divine Diva Zsa Zsa Padilla. Matapos ang kanilang performance ay ibinahagi ni Rica ang kaniyang mga litrato sa nostalgic na ABS-CBN hallway kung saan makikita ang iba't ibang litrato ng ABS-CBN stars.

Hindi naman naiwasan ni Rica na maging emosyunal at mapa-throwback sa kaniyang humble beginnings sa showbiz bilang isang ABS-CBN star noon.

"Nag-ASAP today. This hallway, next to my own home, has been the space of my childhood. Everything feels different while also everything feels familiar. Like it was only yesterday. Part of me is emotional, and maybe that comes with your 40s and you realize so much of what shaped your life. How some things began. And it reminded me today of how I never wanted to be popular, and that I only wanted to be a performer. It reminded me also of hard work. It reminded me of how humbling it is to be in this business, of how you cannot be entitled," saad ni Rica sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 3.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Naalala rin ni Rica ang kaniyang kapatid at dati ring ABS-CBN star na si Paula Peralejo.

"It also reminded me of my sister. She was the one who brought me into this building. I entered ABS-CBN that day as a regular kid with an ice cream stain on her peach shirt she bought on sale in Cinderella, and went out with a new direction in her hands."

"TOO. MANY. MEMORIES. TOO. MANY. DEFINING. MOMENTS. Nag-ASAP lang naman dapat di ba?," dagdag pa ni Mrs. Peralejo-Bonifacio.

Nagkomento naman dito si Momshie Jolina.

"Ay o!!! Nakapost agad-agad!!! Bongga!!!"

Marami naman sa mga netizen ang humirit na sana raw ay bumalik na sa ASAP Natin 'To at maging regular mainstay host o performer si Rica.