Sa Amerika unang mapapanuod ang LGBTQ+ series nina Lovi Poe at Janine Gutierrez na “Sleep With Me,” likha ng award-winning writer and director na si Samantha Lee.

Excited na pareho ang dalawang premyadang aktres para sa world premiere ng palabas na panananuod bilang finalist sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles sa darating na July 19.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Pelikula

PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!

Maaaring bisitahin ang outfestla.eventive.org para sa tickets.

Samantala, sa Agosto 15 naman mapapanuod ang lokal na palabas sa I Want TFC.

Ang award-winning writer at director at proud na bahagi ng LGBTQ+ community na si Samantha Lee ang nasa likod ng progresibong materyal.

Pagbabahagi ng direktor, isang bahagi ng kaniyang puso ang "Sleep With Me" na nasimulan niyang maisulat noon pang 2019.

“In 2019 when I was in LA for the Outfest screening of "Billie & Emma", I was suffering from a really bad bout of jet lag and ended up writing the first few lines of "Sleep with Me". I've always been a fan of full-circle moments and I couldn't be more thrilled to premiere my very first series at #Outfest40. LA friends, see you there?” mababasa sa Instagram update ni Sam kamakailan.

Ito na ang ikatlong materyal ni Lee kasunod ng kaniyang entries sa parehong festival sa mga obrang "Baka Bukas" noong 2017 at "Billie and Emma" noong 2019.

Ang proyekto ay magtatampok sa unang pagtatambal ng Kapamilya actress na sina Lovi at Janine.